MAY bisa na ang bawat health certificate ng isang taon mula sa pagkuha nito, ayon sa anunsyo ng lokal na pamahalaan ng Maynila.
Ito’y matapos na aprubahan ng Manila City Local Health Board ang nasabing patakaran para sa kapakanan ng mga nagtatrabaho o naghahanap ng trabaho.
Nabatid na naging isyu ito sa ilang mga fast food company kung saan ang mga nakukuha nilang empleyado sa kalagitnaan ng taon ay nagkaka-problema sa health certificate.
Ito’y dahil ang expiration ng health certificate ay tuwing kada Disyembre 31.
Nagdesisyon ang lokal na pamahalaan ng Maynila na baguhin ang sistema upang hindi mag-doble ang gastos ng mga empleyado at hindi maabala ang trabaho.
(JOCELYN DOMENDEN)
96 