MANILA LGU NAGBAYAD NG P38.4-M SA COVID VACCINES

IBINIDA ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na nagpauna na itong magbayad ng P38.4 milyon para sa 800,000 doses ng AstraZeneca anti-COVID vaccines para sa 400,000 indibidwal na tuturukan ng tig-2 doses.

“Tiyak na na nakasisiguro na tayo, kasi sa kontrata, maaaring me katiyakan pero ang initial payment ay nakapagbibigay ng kapanatagan ng kalooban para sa mamayang taga-lungsod na me darating nang mga bakuna sa Maynila,” ayon sa alkalde.

Sinabi pa nito na inaasahan ang pagdating ng AstraZeneca vaccines sa pagitan ng Abril hanggang Setyembre ngayon taon.

“Ibinigay ko na ang P38.4 million ninyo… pera ng taumbayan, pahayag ni Moreno.

Nasa 20% advance payment ang ibinigay ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Maynila.

Matatandaan na ang Maynila ang kauna-unahan sa mga local government na pumasok sa tripartite agreement sa AstraZeneca.

Sinabi pa ng alkalde na nakahanda siyang mapabakuna sa harap ng publiko. (RENE CRISOSTOMO)

182

Related posts

Leave a Comment