NABAHIRAN ng kontrobersya ang ginaganap na eleksyon ng bagong set of national officers ng Philippine Councilors League (PCL) nang mabuko ng kampo ni Albay municipal councilor Jesciel Richard Salceda ang panloloko umano ng kampo ni Councilor Danilo Dayanghirang ng Davao City.
Kuhang-kuha sa video na dalawa sa sample votes na para kay Salcedo ay Dayanghirang ang lumabas sa voting machine.
Maliwanag anilang kontrolado ng kasalukuyang opisyal ng PCL ang proseso ng halalan kaya dapat silang mapanagot.
293 