MAPANG-ASAR NA SEKYU BINARIL NG KABARO

CAVITE – Kritikal ang kalagayan ng isang 53-anyos na security guard nang barilin ng kabaro na nagalit dahil sa madalas niyang pang-aasar sa Munisipyo ng Kawit nitong Linggo ng madaling araw.

Isinugod sa San Pedro Calungsod Hospital ang biktimang si alyas “Delvin” ng Brgy. Legaspi, Kawit, Cavite, nasa kritikal na kalagayan dahil sa tama ng bala sa kaliwang sentido.

Naaresto naman ang suspek na si alyas “Nino”, 28, ng Brgy. Tabon l, Kawit, Cavite.

Ayon sa ulat, nangyari ang insidente sa munisipyo ng Kawit sa Brgy. Bating Dalig, Kawit, Cavite bandang alas-12:45 ng madaling araw.

Nabatid na ang biktima at suspek ay mga security guard sa nasabing munisipyo sa ilalim ng Ammon Security Agency.

Bago ang insidente, madalas umanong harap-harapang ipinahihiya ng biktima ang suspek.

Napuno na umano at hindi na nakapagpigil ang suspek kaya binaril niya ng service firearm ang biktima na tinamaan sa kaliwang sentido.

Isinugod ang biktima sa ospital at ngayon ay kritikal ang kalagayan.

Natagpuan naman sa lugar ng isang kalibre .38 na baril, limang bala at isang basyo na ginamit ng suspek sa pamamaril.

(SIGFRED ADSUARA)

9

Related posts

Leave a Comment