IPINAGDIWANG ng middleweight Olympic qualifier na si Eumir Marcial ang kanyang ika-25 taong kaarawan noong Huwebes (Biyernes sa Maynila) habang nag-eensayo sa Wild Card Gym ni Hall of Fame trainer Freddie Roach sa Los Angeles, California.
Nasa “lungsod ng mga makasalanan” si Marcial dalawang linggo na ang nakararaan para sa wakas ay paghandaan ang kanyang kampanya na handugan ang Pilipinas ng kauna-unahang gintong medalya sa Olimpiyada, sa loob ng napakahabang 96 taon mula nang ang bansa ay unang lumahok sa tuwing ika-apat na taong palaro noong 1924.
“So it was Eumir’s birthday that day, eh, he didn’t even told us,” nagtatakang sabi ni Marvin Somodio, Pilipinong katulong ni Roach sa isang panayam sa telepono noong Linggo.
“Otherwise coach Freddie and us, members of his training staff, could have given him a respite from his training and probably a simple b-day party,” dugtong ni Somodio na walong taon nang nagsisilbi kay Roach mula pa noong 2012.
“Eumir naman looks happy and enjoying his stay here even if he’s away from his family,” ani Marvin. “Ang nagustuhan sa kanya ni coach is he looks really determined in giving our country our first Olympic gold medal. He’s hard-working at talagang willing to learn.”
Sa kanyang dalawang linggo sa Wild Card, ayon kay Somodio, ang kanilang bagong estudyante ay nagpakita ng interes na matuto gaya ng ring generalship at lahat ng bagay tungkol sa makabagong teknolohiya na dapat niyang malaman.
“Madaling matuto,” patotoo ni Somodio, na bago lumipat sa pagtuturo ay matagal naging miyembro ng pambansang training pool. “In fact, coach Freddie has told us, Justin (physical conditioning guru Justin Fortune) and myself, that if Eumir continues with his work ethics, baka next week mag-sparring na siya.”
Isang beses noong nakaraang linggo, ang tatlo-kataong training team na kabilang si Fortune, na siya ring conditioning tactitian ni eight-division world champion Manny Pacquiao, ay pinagbigyan ang hiling ni Marcial na tumakbo sa matarik at peligrosong Griffith Park para masubok ang kanyang endurance.
Ang Griffith Park ay pangalawang pinakamalaking bulubunduking plasa sa California na paboritong takbuhin ng ngayon ay senador nang boksingero na si Manny sa tuwing naghahanda sa laban.
“Of course, Eumir lasted for only half of what Manny had been doing,” ani Marvin na sinabayan ng hagikgik. “But, according to Justin, that’s enough for him to diagnose the capability of the Olympic hopeful to endure the conditioning regimen he’s preparing.”
“He’s good and strong,” sabi umano ni Fortune matapos subuking takbuhin ni Marcial ang mabundok na park.
Sinabi ni Marvin na inihanda na ni Roach ang listahan kung sino-sino ang naiisip nitong magiging sparring partner ni Marcial sa mga susunod na linggo.
“He’s been fighting as amateur for quite sometime now and has, in fact, fought the best in his division before turning pro early this year,” obserbasyon niya. “I heard he’s already ranked no. 2 in the world in the non-pro rank and that’s quite an accomplishment at his age. Considering the dearth in talent in the country in his weight class.”
“As coach Freddie told us, being ranked that high in the middleweight division shows what kind of a fighter he is,” dagdag ni Marvin. “Sabi nga ni coach, nasa timing lang ang pagpunta niya dito sa U.S. kung saan marami siyang makakaharap sa ensayo at makakalaban.”
“In the Philippines kasi, maliliit na ang mga boksingerong nasa dibisyon ni Eumir kaya wala halos maka-ensayo man lamang,” paliwanag pa niya.
Makaraan ang dalawang linggong pamamalagi ni Eumir sa Wild Card, kumbinsido kapwa sina Roach at Fortune na malaki ang potensiyal ng kanilang estudyante na makapagbigay sa Pilipinas ng unang gintong medalya sa na-postpone na Olimpiyada sa darating na Tokyo Games sa 2021.
