MARCOS NAMIGAY NG 13K TESTING KITS SA QC

NAMAHAGI ng 13,000 testing kits si dating Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa Quezon City para sa pagsasagawa ng rapid test sa mga residente ng unang distrito ng lungsod.

Ito ang napag-alaman kay House Assistant Majority Leader at QC Rep. Anthony Peter “Onyx” D. Crisologo kung saan tinanggap nito ang testing kits mula kay Marcos sa pamamagitan ng bayaw nito na si Martin Araneta.

Nagpahayag naman ng pasasalamat si Crisologo, kinatawan ng 1st District, sa dating Senador dahil malaki ang maitutulong ng testing kits na ipamimigay naman sa iba’t ibang barangay at health centers sa kanyang nasasakupang distrito.

Naniniwala ang kongresista na magiging isang mabisang solusyon ang mga ibinahaging testing kits upang maagapan ang paglaganap ng corona virus sa kaniyang distrito.

“Nagpapasalamat po ako kay former Senator Bongbong Marcos sa pamamagitan ng kaniyang brother in law na si Mr. Martin Araneta sa donation ng thirteen thousand na testing kits. Malaki po ang maitutulong nito sa ating Distrito,” ayon kay Crisologo.

“Let us always bear in mind that every Filipino can be a hero in this time of COVID-19 pandemic by simply following government’s minimum health standards such as physical distancing, regular hand washing, and wearing of a face shield and mask,” ayon pa kay Crisologo.

Kamakailan lamang ay niregaluhan ni Marcos ang mga COVID-19 patient at mga medical frontliner sa Tacloban City na nagdiwang ng kanyang ika-63 taong kaarawan noong Setyembre 13.

Ipinamahagi ng mag-asawang House majority leader Martin Romualdez at Tingog party-list Rep.

Yedda Marie K. Romualdez ang regalo ni Marcos sa 206 COVID-19 patients at 191 healthworkers na nasa isolation facilities sa Tacloban City.

“In celebration of Sen. Bongbong’s birthday, we are reminded to give back to the people, especially the medical frontliners and COVID-19 patients who were victimized by this pandemic. They continue to face the brunt of impact of the coronavirus and this gift giving is a simple message that as their representatives, we support them, and we are here for them,” ayon sa mag-asawang Romualdez. (BERNARD TAGUINOD)

87

Related posts

Leave a Comment