MARK SINGER PAR EXCELLENCE

lolitGusto ko iyon magiging concert na 1 for 3 nila Mark Bautista, Aicelle Santos at Christian Bautista. Tatlo sila na iba-iba ang range ng boses at talents kaya talaga ngang complete concert na matatawag ito. Isa sa pinaka-paborito kong singer si Mark Bautista dahil ang lamig ng boses at buong-buo. Iyon rendition niya ng When I Fall In Love, ang ganda-ganda, very soothing ang dating at para bang ang roma-romantic. Isang bagay pa napakabait at professional ni Mark na lalo pang nakadaragdag sa appeal niya as a singer. Very respectful at likas ang pagiging sweet. Mark Bautista is one singer na talagang par excellence tulad nila Martin Nievera at Marco Sison, hindi nagbabago ang mga boses at iba ang atake sa kanta. Kaya itong concert na 1 for 3 sure ako, bongga.

CUTE DIN NA SI JUDY ANN SANTOS ANG GAGANAP NA MOTHER LILY

Excited ako sa gagawin real life movie ni Mother Lily. Isa sa pinaka colorful personality sa showbiz si Mother Lily. kaya imagine mo how colorful ang istorya niya. Cute din iyon si Judy Ann Santos ang gaganap na Mother Lily at gusto pa niya 3 ang mag play ng role ni Father Remy. Ang daming subplot at twist ng story pag nagkataon. Isa na kasing icon si Mother Lily kaya tiyak na marami ang gusto mapanood ang pelikula ng buhay niya. Ay naku, sana matapos, dahil si Mother Lily continuing story, walang ending, hah hah, love you Mother Lily.

 ROYALS GUSTO NANG MAGING ORDINARY CITIZENS

Nabalitaan na ba ninyo ang  ginawa nina Prince Harry at Meghan ng UK? Bongga , parang umayaw na sila at iiwan na ang pagiging royals at gusto ng maging ordinary citizen. At mukhang sa Canada na sila titira kung saan lumaki si Meghan. Wow di ba? Lahat ng ginawa ni Prince Harry, iyon pakasalan isang divorcee at hindi British kundi American, now, iyon iiwanan ang pagiging number 6 na naka line up for the throne, mukha ngang ibang-iba ang pananaw ni Prince Harry sa buhay. Makikita mo agad iyon pagiging open minded niya, iyon pagiging aggressive niya to find his own path, iyon tulad ni Princess Diana carefree at liberal siya at hindi laging by the rule ang galaw. At ang maganda kay Prince Harry, inilalaban niya ang feelings niya, iyon love niya at iyon alam niyang magpapasaya kay Meghan na asawa niya. Modern day romance talaga ang peg nilang dalawa, expect the unexpected, iyon surprises everyday. Congrats Prince Harry and Meghan, love wins. (ANG KULIT NI LOLIT)

154

Related posts

Leave a Comment