180 DAYUHAN BLACKLISTED SA PINAS

bureau of Immigration-2

IPINAGBAWAL na ng Bureau of Immigration (BI) sa kanilang port personnel na papasukin sa bansa ang 180 aliens dahil sa pagiging bastos at walang galang sa immigration officers.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, nadagdagan ang bilang ng mga ito mula sa 133 dayuhan na ipina-ban ng Pinas noong 2018 habang 129 aliens naman noong 2017.

Ani Morente, bukod sa pagpapabalik sa kanilang pinanggalingan, isinama sa listahan ng blacklisted ang mga bastos na dayuhan dahil sa pagiging undesirable aliens.

Ang nasabing polisiya ay nasa ilalim ng memorandum order na inilabas ni dating BI Commissioner Andrea Domingo noong Marso 29, 2001. (Joel O. Amongo)

158

Related posts

Leave a Comment