MAS MADUSING NA BATA, MAS HEALTHY

MAS MADUSING

ANG mga gadget ay maraming naitutulong sa panahon ngayon, subalit alam niyo rin ba na ang labis na paggamit nito ay masama?

Pero iba ang dulot ng mga paglabas-labas din ng mga bata lalo na kung sila ay naglalaro at nadudumihan gaya ng pagbabad sa playground. Marumihan man pero active ang mga katawan at isipan.

Sa kasalukuyan kasi, ginagamit na ang gad­gets ng mga magulang bilang panlibang kapag umiiyak o sinusumpong ang kanilang mga anak. Gayunpaman, habang nawiwili ang mga bata, hindi alam ng magulang na may masamang epekto ito sa kalusugan ng bata.

Paliwanag ni Sumrana Yasmin, Director of South East Asia and Eastern Mediterranean Region Institute, maraming mga kabataan ang hindi na lumalabas ng bahay at nag-eehersisyo. Mas pinipili na kasi ng mga ito na tumutok na lamang sa TV, sa computer at sa kanilang mga cellphone.

Dahil dito, maaga aniyang lumalabo ang mata ng mga kabataan at lalo pa itong lumalala sa paglipas ng mga taon. Bukod pa rito, maaari rin silang makakuha ng sakit sa pagbababad sa gadgets.

Ayon sa pag-aaral, mas malakas ang panga­ngatawan ng mga batang nasa labas at madusing kumpara sa nasa loob lamang ng bahay hawak ang kanilang gadgets o nanunuod ng TV.

Kaya pinapayo ng mga eksperto na mas mabuting sanayin ng mga magulang ang kanilang anak habang ito’y bata pa na makisalamuha at hayaang maglaro sa labas nang sa gayon ay ‘di mawili ito na maglaro sa tablet, cellphone o laptop.

294

Related posts

Leave a Comment