MASA DINEDMA NG MARCOS ADMIN?

HINDI binigyang-pansin o dinedma ng Marcos administration at mga mambabatas sa Kamara ang masa dahil walang naipasang batas para sa kanila sa loob ng isang taon sa ilalim ng 19th Congress.

Ito ang alegasyon ni Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) chairman emeritus at dating Congressman Rafael Mariano matapos isara ng Senado at Kamara ang 1st Regular session noong nakaraang linggo.

“Many legislations marked as a priority by basic sectors — workers, farmers, fisherfolks — were snubbed by legislators and were not even deliberated in House Committees,” ani Mariano.

Inihalimbawa nito ang Rice Industry Development Bill at P15,000 production subsidies para sa mga magsasaka at mangingisda na inihain ng Makabayan bloc sa Kamara sa pagsisimula ng 19th Congress noong Hulyo 2022, subalit hindi pinansin ng mga mambabatas.

Sa halip ay mas pinagtuunan ng pansin ng Kongreso ang pagpapatibay sa Maharlika Investment Fund (MIF) na ayon sa mga militanteng mambabatas ay isang uri ng scam.

Maliban sa pagpapatawad sa utang ng land reform beneficiaries ay wala nang ipinasang batas ang Kongreso para mabigyan ng ayuda ang mga Pilipino

179

Related posts

Leave a Comment