MAPANONOOD na simula ngayong araw ng Linggo (October 11) ang Masaganang Buhay program sa TV ng Magsasakang Reporter.
Ang Masaganang Buhay ay isa sa mga bagong programa sa OnePH Cignal TV Channel 1 ng kapatid network na TV-5 at mapapanood tuwing Linggo ng alas-7:00 hanggang alas-8:00 ng umaga.
Ang Magsasakang Reporter na si Mer Layson na ginawaran ng To Farm bilang isa sa Most Oustanding Farmer of the Philippines 2016 on Agri-Intrepreneur at 2017 BCYF Innovation award bilang Oustanding Agri-Business ang siyang host ng programa.
Isa ring vlogger si Layson at ang kanyang Youtube Channel na Ang Magsasakang Reporter ay may 110,000 subscriber na. Sa loob lamang ng anim na buwan ay naabot ang silver button play ng Youtube dahil sa kapaki-pakinabang na pagtuturo nito sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman at Do it Yourself Tips.
Isang lehitimong Magsasaka si Layson, bata pa lamang ay bihasa na sa gawain bukid, pagsasaka at pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman.
Sa edad na 16 ay lumuwas ng Maynila si Layson, nag-self support student, nakatapos ng Masscom hanggang maging reporter.
Dahil nasa puso ni Layson ang pagsasaka at ikinararangal ang pagiging magsasaka dahil naniniwala siya na kung walang magsasaka ay magugutom ang kanyang kapwa.
Kaya ang pagtatanim at pagsasaka sa probinsiya ay dinala niya sa Metro Manila, ngayon ay nagtuturo si Layson ng Urban Gardening in a Plastic Bottle, Self Watering Plant.
Iniimbitahan ni Layson ang mga magsasaka, mga Plantito at Plantita na manood at subaybayan ang Masaganang Buhay program tuwing Linggo ng umaga.
![](https://saksingayon.com/wp-content/plugins/dp-post-views/images/eyes.png)