Matinding tama ng alak DRIVER AT HELPER NAGDWELO SA PATALIM

KAPWA malubhang nasugatan ang isang driver at helper matapos magsaksakan makaraan ang mainitang pagtatalo habang parehong lango sa alak sa Malabon City noong Lunes ng gabi.

Ayon sa imbestigasyon ni P/SSgt. Jose Romeo Germinal at P/Cpl. Archie Beniasan, alas-8:00 ng gabi nang magkaroon ng pagtatalo sina Albert Estrabela, 29, at Erwin Villasis, 29, habang parehong lango sa alak sa kanilang pinagtatrabahuan sa #22 Don Basilio Bautista Blvd., Brgy. Hulong Duhat, ng lungsod.

Sa kainitan ng pagtatalo, kapwa kumuha ng patalim ang dalawa at nagdwelo.

Pagkaraan ay umalis si Villasis para humingi ng tulong ngunit naabutan siya ng nagrespondeng mga tauhan ng Sub-Station-7 na nagdala sa kanya sa Valenzuela Medical Center para malapatan ng lunas.

 

Habang isinugod naman si Estrabela ng Rescue Team ng Brgy. Hulong Duhat sa Tondo Medical Center kung saan ito inoobserbahan. (FRANCIS SORIANO)

136

Related posts

Leave a Comment