HINDI natin tinatakot ang ating mga kababayan kundi isang paalala lamang po ito para tayo ay maging maingat na hindi tayo dapuan ng coronavirus.
Mahigit tatlong buwan na po tayong naghihirap sa epekto ng COVID-19. Kapansin-pansin na ilang araw na ay laging mahigit sa isang libong katao ang nagiging positibo sa COVID-19.
Sa pinakahuling ulat ng Department of Health (DOH). ‘as of 4PM, July 10, 2020 nakapagtala na ng kabuuang bilang ng COVID-19 cases na 52,914.
Karagdagan nito ang 848 fresh cases, 385 ang late cases ang naireport sa panahon na yan. Sa parehong panahon na yan ay inanunsyo rin ng DOH ang 286 bagong recoveries at ito ang nagdala kaya naging 13, 230 ang kabuuang bilang ng mga gumaling. Nakapagtala naman ng 1,360 ng mga namatay sa Covid-19 sa buong bansa.
Sa panahon ngayon dalawa lang ang pamimilian ng tao manatili sa bahay para umiwas sa COVID-19 o lumabas at magtrabaho para hindi magutom ang kanyang pamilya.
Pwede naman tayo magtrabaho para may kainin ang ating pamilya kailangan lang doblehin natin ang pag-iingat. Lagi nating isipin na kaya tayo lumalabas para sa pamilya natin at hindi para sa personal lamang na pangangailangan.
Kamakailan may mga lumabas sa pag-aaral na maaaring madala ng hangin ang virus na kumapit sa mga bagay at malipat sa kamay na tao na makakahawak nito.
Ang may COVID-19 kasi pag bumahing siya kung saan siya nakatapat dun mapupunta ang virus.
May mga nagsabi nitong pagluwag ng quarantine protocol sa National Capital Region (NCR) mula sa dating Enhanced Community Quarantine (ECQ) patungo sa General Community Quarantine (GCQ) ay tumaas ang kaso ng COVID-19.
Sunod-sunod na nakapagtala ng mahigit sa isang libong kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang naitatala sa buong bansa.
Sabi naman ng DOH ito ay dahil sa lumaki na ang kapasidad ng testing laboratory at mabilis na rin ang paglabas ng resulta mula sa dating mahigit isang linggo ngayon 2 hanggang 3 araw na lang ay labas na ito.
Ang lahi ni Juan ay madiskarte at matibay sa pagsubok kaya kahit ano pa mang panganib sa buhay niya na dulot ng COVID-19 ay kaya niya itong lagpasan.
Napatunayan din na ang mga Pilipino ay mapagmahal sa kanyang pamilya kaya gagawin niya ang lahat para sa kanila.
Lahat ng tao sa buong mundo ay apektado ng COVID-19 mayaman ka man o mahirap ay nakakaramdan ng dulot nito.
Hangga’t wala pang bakuna o vaccine, ang virus ay laging nakaabang sa tao na kanyang bibiktimahin.
Kaya kailangan natin mag-ingat para sa kapakanan ng ating pamilya, kamag-anak, kapitbahay at mga kababayan.
Kung hindi natin gagawin ito, ang mangyayari sa atin ay ‘matira ang matibay’.
Ang tanging panlaban sa COVID-19 ay umiwas at mag-suot ng face mask, maglagay ng alcohol, umiwas sa maraming tao at sumunod sa mga payo ng mga eksperto kung papaano makakaiwas na dapuan ng virus.
Malaking problema itong COVID-19 dahil pandemya ito na buong mundo ay apektado.
May maibento mang bakuna siyempre tulad ng Amerika natural uunahin muna nila ang kanilang bansa bago sila magbenta sa iba.
Kaya tiis tiis muna tayo at doblehin na lang muna natin ang pag-iingat para lang bumagal ang mga dadapuan nito na lahi Juan.
Samahan na rin natin ng dasal at kaawaan tayo ng Poong Maykapal na lumipas na ang pandemyang ito.
Marahil ay paalala ito sa atin ng Panginoon na kailangan na natin manalangin sa kanya.
Kahit ano pang delubyo o pandemya yan ay walang panama yan sa kapangyarihan ng Panginoon kung gugustuhin niya.
Para sa suhestiyon at reaksyon mag-email joel2amongo@yahoo.
