MAY 2023 REVENUE COLLECTION TARGET NALAGPASAN NG BOC

MULING nalagpasan ng Bureau of Customs (BOC) ang kanilang revenue collection target para sa buwan ng Mayo 2023. Ang BOC ay nakapagkolekta ng kabuuang P77.793 bilyon noong Mayo 2023, nakalagpas sa kanilang target collection na P72.350 bilyon ng P5.443 bilyon o 7.52%.

Ito ay nagrerepresenta sa isang kapansin-pansing paglaki ng P11.505 bilyon o 17.36% kumpara sa nakaraang taong koleksyon.

Base sa preliminary report, ang BOC’s total revenue collection mula Enero 1 hanggang Mayo 31, 2023, ay umabot ng P359.175 bilyon, nakalagpas sa target na P345.943 bilyon ng P13.232 bilyon o 3.82%.

Ito ay sumasalamin sa isang makabuluhang paglago ng P38.661 bilyon o 12.06% kumpara sa nakaraang taon.

Iniuugnay ito ng BOC sa kanilang pinabuting collection performance sa strategic initiatives na nakalinya sa five-point priority program ni Commissioner Bienvenido Rubio.

Una ang pinahusay na anti-smuggling measures na napigilan ang bawal na aktibidad at nagresulta ng pagkakakum­piska ng kontrabandong mahigit P19 bilyon.

Kapansin-pansin, noong Pebrero 17, 2023, ang BOC ay nakadiskubre ng tinatayang P150 milyong halaga ng agricultural products sa 24 warehouses sa Metro Manila.

Habang noong Marso 20, 2023, ang BOC ay nakakumpiska ng 58.93 kilograms ng shabu na may halagang P400 milyon sa Pair Cargo Warehouse sa Pasay City.

Karagdagan nito, noong Mayo 4, 2023, natuklasan ng BOC ang tinatayang aabot ng 1,350 kiloliters ng smuggled diesel fuel na may halagang P54 milyon mula sa labing dalawang compartments ng barkong “MV Veronica-1” sa Sub-port of Sual sa Pangasinan.

Ikalawa, ang BOC’s digitalization efforts, na na-rate sa 96.39%, ‘have streamlined customs procedures, enhanced trade operations, and improved processing times and accuracy in import and export transactions.’

Sa World Bank Logistics Performance Index ranks ng Pilipinas ay pang 43 ito sa 139 mga bansa, pag-higlight ng mga pagsulong sa pagpapadali ng kalakalan.

Ang ikatlo, pro-active collaboration sa iba pang government agencies, kasama ang Department of Information and Communications Technology, Department of Agriculture – Bureau of Plant Industry, Department of Justice, at ang Philippine Drug Enforcement Agency, na pinadali ang customs procedures and facilitated secured trade.

Pang-apat, aktibong pakikipag-ugnayan sa stakeholders na pinahusay ang mga serbisyo ng BOC sa pamamagitan ng bukas na komunikasyon.

Panglima, training programs and incentives na binigyan ng kapangyarihan ang BOC personnel, pagtaas ng produktibad, nag-aambag sa agency’s outstanding performance. Kaugnay nito, sa ilalim ng pamumuno ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio, BOC ay patuloy na lumalagpas sa inaasahan ang koleksyon sa pamamagitan ng epektibong estratehiya sa paghabol ng re­venue collection, border protection and trade facilitation mandates. (JOEL O. AMONGO)

196

Related posts

Leave a Comment