MAY EPEKTO BA ANG PANONOOD NG TV SA MGA BATA?

WATCHING TC

May magandang dulot ang panonood ng television o TV dahil ito ay pwedeng maging entertaining, educational, at magbukas sa panibagong mundo para sa mga bata. Makakakuha rin sila ng iba pang impormasyon o ideas na hindi nila basta mae-encounter sa kanilang komunidad.

Kung walang limitasyon ang mga bata sa panonood ng TV ay may masama ring epekto ito sa kanila.

Maraming mga magulang o guardians ang nag-aakalang sa panonood ng mga bata sa TV ay naiiwas sila sa mga masasamang elemento sa pakikipaglaro sa labas at sa kung anu-ano pang mga dahilan.

Marami rin sa mga itong dahil abala pa sa ibang mga bagay ay hinahayaan na lamang ang mga bata na magbabad sa pa­nonood upang hindi maistorbo ang kanilang mga magulang.

Mga masasamang epekto ng panonood ng TV sa mga bata

-Nababawasan ang oras ng bonding ng mga bata sa pamilya.

-Nagiging obese o mataba ang bata dahil nakapokus na lamang siyang nakain habang nasa TV. Habang nakababad sa panonood ay nabababad din ang katawan sa mga junk food na kinakain ng bata.

-Nakukulangan o nawawala sa ayos ang tulog o pahinga.

-Nag-iiba ang ugali nito sa pakikipag-interact sa ibang tao.

-Naiiwas ang bata sa mas magandang activities tulad sa sports, music, arts at iba pa.

-Madi-discourage ang mga bata na magbasa ng mga libro at iba pang reading materials.

-Posibleng lumabo ang mga mata.

-Maaaring masagap ng mga bata ang anumang TV violence.

-Maaaring ma-trauma ang mga bata sa disturbing themes mula sa pano­nood ng TV.

979

Related posts

Leave a Comment