MAY KASONG ROBBERY SA QC, ARESTADO NG WPD

INIATANG ng korte sa mga tauhan ng Manila Police District Station 12 ang pagsisilbi ng warrant of arrest sa isang 37-anyos na babaeng sangkot sa robbery, na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek sa Novaliches, Quezon City noong Biyernes ng hapon.

Kinilala ni MPD District Director, P/Brigadier General Leo “Paco” Francisco ang suspek na si H-D Tablante, residente ng Block 34, Lot 17, King Paul St., Kingspoint Subdivision, Barangay Bagbag, Novaliches, Quezon City.

Batay sa ulat ni P/Lt. Col. Paul Jady Doles, commander ng MPD- Delpan Police Station 12, bandang alas-2:30 ng hapon nang arestuhin ng kanyang mga tauhan si Tablante sa King Philip St. sa Novaliches.

Inaresto ng mga awtoridad, sa pangunguna ni P/Lt. Louie Molina, ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Rochelle Santos Manuel ng Regional Trial Court, Branch 97 sa Quezon City, dahil sa kasong robbery.

Inirekomenda ng korte ang paglalagak ng P200,000 piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng suspek. (RENE CRISOSTOMO)

155

Related posts

Leave a Comment