MARAMING magbabalik-Kongreso pero marami rin ang lilipat ng puwesto sa gobyerno.
Ito ang obserbasyon sa mga kongresista na naghain na ng kanilang mga COC hanggang kahapon.
Naghain na si Deputy Speaker Neptali “Boyet” Gonzales II ng kanyang COC para sa muling pagtakbo bilang kinatawan ng lone district ng Mandaluyong City.
“I will relentlessly pursue the continuity of my compassionate and responsive programs to the needs of my constituents and betterment of Mandaluyong City in this time of COVID-19 (coronavirus disease-19) pandemic,” ani Gonzales.
Naghain na rin ng kanilang COC para sa kanilang re-election bid sina Bataan Rep. Geraldine Roman, Negros Occidental Rep. Jose Francisco “Kiko” Benitez, Cagayan Rep. Jojo Lara at iba pa.
Halos lahat na rin ng mga incumbent party-list organization na mayroong kinatawan ngayong 18th Congress sa Kamara ay nakapaghain na ng kanilang intensyong sumali muli sa eleksyon.
Sasabak naman sa mayoralty race sa Quezon City si Anakalusugan party-list Mike Defensor habang tatakbo naman sa City council si Rep. Alfred Vargas.
Tatakbo naman bilang gobernador ng Bataan si Rep. Jose Enrique Garcia III habang si Maguindanao Rep. Esmael “Toto” Mangudadatu ay babalik bilang gobernador ng Maguindanao. Si Deputy
Speaker Henry Oaminal ay pagka-gobernador din sa Misamis Occidental ang tinatarget. (BERNARD TAGUINOD)
173 