MAYOR HONEY TUMAYONG NINANG NG 93 PARES NA IKINASAL SA “KASALANG BAYAN 25: MANILA JUNE BRIDE”

MAY kabuuang 93 pares ng mga matagal nang magka-live-in ang ikinasal sa huwes at simbahan bilang bahagi ng “Kasalang Bayan ’25: Manila June Bride” sa Maynila.

Mismong si Manila Mayor Honey Lacuna ang tumayong principal sponsor sa 28 na pares na ikinasal sa St. Vincent de Paul Parish sa Ermita at 65 pares naman na ikinasal sa Adamson Gymnasium kung saan ang alkalde rin ang nag-officiate.

Ang “Kasalang Bayan 2025: Manila June Bride” na ginanap noong June 14, 2025 ay bahagi ng mga aktibidad tungo sa ika-454 anibersaryo ng pagkakatatag ng siyudad ng Maynila na tinawag na “Araw ng Maynila.”

Ayon kay Manila Civil Registry Office chief Encar Ocampo, tulad din noong mga nakaraang taon, si Lacuna ang sumagot sa ilang pangangailangan ng mga ikinasal na pares.

Kabilang dito ang marriage license, wedding cord and veil, flower bouquet, arrhae (wedding tokens) at wedding rings.

Sinabi pa ni Ocampo na sa direktiba rin ni Lacuna, ang reception, venue, church marriage and wedding service ay sinagot na rin ng tanggapan ng alkalde.

Samantala, ginanap naman ang wedding reception sa San Andres Sports Complex, Malate.

(JESSE KABEL RUIZ)

100

Related posts

Leave a Comment