HINIKAYAT muli ng Philippine National Police (PNP) ang mga mamamahayag na may banta sa kanilang buhay na makipag-ugnayan sa local PNP-PIO sa kanilang mga lokalidad para mas mabilis maaksyunan.
Inihayag ito ni PNP spokesman Police Brig. Gen. Red Maranan, kasunod ng pamamaril kay Remate online photographer Joshua Abiad at kanyang pamilya noong nakaraang linggo.
Paliwanag ni Maranan, mas mabilis na maaksyunan ang mga “security concerns” ng media kung dumiretso sila sa PIO sa kanilang lokalidad.
Hinikayat naman ni Maranan ang mga lokal na PIO na magtatag ng “open line of communication” sa mga lokal na press corps para madaling maiparating sa kanila ang concerns ng media.
Una nang naitalaga ang mga PNP Information Officer para magsilbing focal person ng mga kasapi ng media matapos magkaroon ng kasunduan ang PNP at Presidential Task Force on Media Security.
(JESSE KABEL RUIZ)
