2 high-value ‘Waray-waray’ napatay CRIMINAL GROUP PINILAY NG PNP-AKG

NAPATAY ng mga tauhan ng Philippine National Police – Anti-Kidnapping Group, na pinamumunuan ni P/BGen. Jonnel C. Estomo, ang dalawang miyembro ng Waray-waray criminal syndicate, noong Sabado ng gabi sa Payatas, Quezon City.

Ayon kay Police Major Ronaldo Lumactod, Jr., PIO chief ng PNP-AKG, matapos ang ilang buwang surveillance operation, nagkasa ng buy-bust operation laban sa mga kasapi ng criminal group na sangkot sa gun running operation,

Isang tauhan ng PNP-AKG ang umaktong poseur buyer na bibili ng baril sa mga suspek ngunit bago matapos ang transaksyon ay nakatunog ang mga ito na sila ay nabitag sa entrapment operation.

Agad nagbunot ng baril at nagpaputok ang mga suspek na nauwi sa maikling habulan hanggang sa mahagip ng bala ang mga kasapi Waray-waray group.

Dead on the spot ang suspek na si Johnny Radazad sa tabi ng kanyang motorsiklo sa isang eskinita malapit sa Eagle Street, habang ang kasama nito ay nagawa pang maitakbo sa Rosario Maclang General Hospital ngunit idineklarang dead on arrival.

Bukod sa gun running at illegal drugs, ang grupo ay sinasabing sangkot din sa kidnap for ransom activities sa Metro Manila at karatig na mga probinsya.

Sa impormasyong ibinahagi ni Lumactod, base sa intelligence reports, kasama rin ang mga suspek sa grupo ng mga hitman at posible ring sangkot sa ilegal na droga.

“Itong ating suspek, itong fatality, siya ay nagsisilbing spotter at abductor during the kidnapping. Sila rin ay involved sa sealing ng mga droga,” aniya.

Malaki aniya ang epekto ng pagkamatay ng mga suspek sa operasyon ng criminal group dahil high value member ang mga ito at sangkot sa maraming mga kaso.

Samantala, nadakip naman ng mga tauhan ng PNP-AKG ang isang miyembro ng komunistang New People’s Army na suspek din sa panggagahasa sa isang 7-anyos na batang babae sa Brgy. Lumbua, Cagayan de Oro City nitong nakalipas na linggo.

Ayon kay P/BGen, Estomo, nadakip ng PNP-AKG Mindanao Field Unit sa isinagawang law enforcement operation ang suspek na si Virgilio Ruiles na mahigit dalawang taong nagtago matapos makasuhan ng panghahalay sa isang menor de edad sa Iligan City noong 2017 at 2018.

Kilala sa alyas na “Bulbog,” errand boy umano ang suspek ng North Central Mindanao Regional Command ng NPA noong nasa Iligan pa siya, base sa record ng PNP-AKG-MFU, sa pamumuno ni P/Lt. Col. Clarence C. Gomeyac.

Kinumpirma ni P/Major Ronaldo Lumactod, dinala na ang suspek sa Iligan para sa booking procedures ng kanyang kaso base sa inilabas na warrant of arrest.

Ang suspek ay itinuturing na no.1 most wanted person station level sa Sta. Cruz, San Isidro Labrador, Brgy. Lumbia, Cagayan De Oro City.

Napag-alaman, armado ng warrant of arrest, sinalakay ng pinagsanib na puwersa ng MFU-Iligan Satellite Office, Iligan City Police Office-ICPS4, CIDMB-ICPO, RIU10, RIU15 at Police Station 8 CDOCPO, ang pinagtataguan ni Ruiles.

Ayon sa kay Riosan Caturao Bariñan, ina ng batang biktima, inabusong sekswal at minolestiya ng suspek ang kanyang anak nang ilang ulit noong taong 2017 at 2018 sa Brgy, Abuno, Iligan City.

Kinumpirma naman ni AKG Intelligence officer, P/Lt. Abraham S. Momongan, na may mass base of supporters ang suspek dahil sa pagiging tauhan nito ng GF12, SRC5, NCMRC guerilla front 12, sub-regional committee 5, under North Central Mindanao Regional Command, sa ilalim ni Commander Kiram noong nakatira pa ito sa Brgy. Abuno, Iligan City. (JESSE KABEL)

118

Related posts

Leave a Comment