266 INMATES BUMOTO SA MANILA CITY JAIL

(NI HARVEY PEREZ)

MAY 266 preso sa Manila City Jail (MCJ), ang nakaboto sa inilagay na  special polling precinct  ng Commission on Elections (Comelec)  sa ginanap na midterm elections, Lunes ng umaga.

Ganap na alas 8:30 nang magsimula ang pagboto ng mga inmates at natapos ala 1:30 ng hapon sa Chapel ng MCJ.

Ang mga nakabotong inmates ay iyong mga nakapagparehistro sa  itinakdang registration period  ng Comelec noong nakalipas na taon.

Ayon kay JCapt Jay Rex Bustanera, ang nabanggit na  pagboto ng mga preso ay inobserbahan ng mga kinatawan ng Comelec, Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) at Commission on Human Rights (CHR) kung saan tanging mga kandidato lamang sa pagka-senador ang kanilang ibinoto.

Nalaman  na ang mga boto ng inmates ay dinala sa pinakamalapit na polling centers  para doon ipasok sa vote counting machines.

 

114

Related posts

Leave a Comment