4 DURUGISTA NALAMBAT

ARRESTED-18

KALABOSO ang apat na drug personalities na nabulagang nakikipagtransaksyon at bumabatak ng ilegal na droga makaraang inguso sila sa Caloocan City.

Kinilala ang mga dinakip na sina Khay Taule, 31; Arnold Nuevo, 36; Jomel Bawag, 32, at Carlito Ocampo, 40, pawang ng Libis Baesa, Brgy. 160.

Ayon sa ulat ng pulisya, alas-4:30 ng hapon nang may magnguso sa mga parak hinggil sa nagaganap na transaksyon ng ilegal na droga sa 700 Libis Baesa, Brgy. 160.

Pagpunta ng mga parak sa naturang lugar, nakita ang dalawa sa mga suspek sa harap ng pinto ng bahay habang nakikipagtransaksyon sa ilegal na droga dahilan upang arestuhin ang mga ito habang nabulaga naman ang dalawa pa habang bumabatak.

Nakumpiska sa mga suspek na kakasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002,  ang pitong plastic sachet ng hinihinalang shabu at ilang drug paraphernalia. (ALAIN AJERO)

170

Related posts

Leave a Comment