5 WANTED PERSONS NATIMBOG

BINITBIT ng mga operatiba ng Warrant and Intelligence Section ng Sta. Ana Police Station 6 ng Manila Police District, ang isang 27-anyos na most wanted person, regional level, nang makorner sa Cainta, Rizal, iniulat ng pulisya.

Kinilala ni MPD Director Police Brigadier General Andre Perez Dizon ang suspek na si Pio Cinco Marteja.

Base sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Jason Aguillon, commander ng Sta. Ana Police, na isinumite kay Police Brigadier General Melencio Nartatez Jr., Acting Regional Director ng NCRPO, natunton ng kanyang mga tauhan ang suspek sa nasabing lugar.

Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Caroline Lacsamana Tonias, ng Regional Trial Court Branch 7 ng Manila.

Samantala, nabatid mula kay Police Lieutenant Colonel Eunice Salas, ng Regional Public Information Office ng NCRPO, na sa loob ng 24 oras, iba’t ibang distrito ang nagsagawa ng mga operasyon na nagresulta sa pagkakadakip sa apat pang indibidwal na wanted sa batas, dahil sa mga kasong paglabag sa Republic Act 7610 (Anti- Child Abuse law), theft, illegal detention, robbery extortion, Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) in relation to RA 7166 (Omnibus Election Code) at Article 179 ng Revised Penal Code (Illegal Use of PNP Uniform).

(RENE CRISOSTOMO)

164

Related posts

Leave a Comment