OPISYAL na sinimulan ng top leaders ng ASEAN member-states, ngayong Martes ang 43rd ASEAN Summit sa Jakarta Convention Center sa Indonesia.
Dumalo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa opening ceremony kasama sina ASEAN Summit Chair at Indonesian President Joko Widodo, Brunei’s Sultan Hassanal Bolkiah, Cambodia Prime Minister Hun Manet, Lao PDR Prime Minister Sonexay Siphandone, Malaysia Prime Minister Anwar Ibrahim, Singapore Prime Minister Lee Hsien Loong, Vietnam Prime Minister Pham Minh Chinh, Mark Brown, Prime Minister of Cook Islands, Bangladesh President Mohammed Shahabuddin at Timor-Leste Prime Minister Xanana Gusmaño.
Tumayo namang kinatawan ng Thailand ang permanent Secretary for Foreign Affairs na si Sarun Charoensuwan.
Kasama ni Pangulong Marcos ang asawang si Unang Ginang Liza Araneta-Marcos.
Ginawa naman ng mga lider ng ASEAN member-states ang traditional handshake sa nasabing seremonya.
Si Pangulong Marcos ay mananatili sa Indonesia hanggang Huwebes, Setyembre 7 para dumalo sa ASEAN main events at maging sa iba pang summits.
Dumating ang Pangulo sa Jakarta, Lunes ng gabi.
Sa pagtatapos ng 43rd ASEAN Summit sa Setyembre 7 ay may handover ceremony ng ASEAN chairmanship mula Indonesia at ipapasa sa Laos.
Nauna rito, sinabi ng Malakanyang na may 13 leader-level engagements ang dadaluhan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa 43rd Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) Summit sa Jakarta Indonesia.
(CHRISTIAN DALE)
242