80 ARESTADO, 90 BARIL NABAWI SA SPD OPERATION

baril1

(NI LYSSA VILLAROMAN)

UMAABOT sa 80 katao ang naaresto  at 90 pirasong  mga baril ang nakumpiska sa magkakahiwalay na “all-out drive operation” kontra kriminalidad  na ikinasa ng pulisya sa Southern Metro Manila.

Sa press briefing ay iprinisinta  ni Southern Police District (SPD) director, Chief Supt. Eliseo Cruz kay National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director Guillermo Eleazar, ang nasa  90 assorted loose fire arms  na nakumpiska mula sa iba’t ibang suspects na dinakip dahil sa paglabag sa Election Gun Ban at Illegal Possession of Firearms.

Nakakumpiska rin ang mga bala, granada, shabu at drug paraphernalia.

Bukod dito ay  iprinisinta rin kay Eleazar ang nasa 80 suspects na naaresto matapos  masangkot mula sa iba’t ibang  uri ng krimen.

Sa record ng SPD, ang nasabing accomplishment ay isinagawa mula noong Enero 13 hanggang kahapon Pebrero 13 bunsod na rin sa  magkakahiwalay na “all-out drive operation” kontra kriminalidad na ikinasa ng pulisya sa Makati, Pasay, Las Pinas, Muntinlupa, Paranaque, Taguig City at bayan ng Pateros.

75

Related posts

Leave a Comment