NAGPALABAS na ng listahan ang Manila Police District (MPD) para sa 80 lugar na magiging “firecrackers zone ” sa pagsalubong ng Bagong Taon sa Maynila.
Nabatid kay MPD Director PSSupt. Vicente Danao Jr., bilang tugon sa Malacañang Executive Order No. 28, na nagbabawal sa pagpapaputok ng firecrackers o maglagay ng sarili nilang firework display sa kanilang mga bahay para salubungin ang Bagong Taon.
Nakikipag koordinasyon ang MPD sa local government units at iba pang government agencies para sa seguridad ng ilalagay na community firework displays sa kanilang lugar .
Kasabay nito nagbabala rin sa publiko si Danao na magbebenta at gagamit ng mga ipinagbabawal na paputok na huhulihin at kakasuhan.
Nalaman na karamihan sa mga itinalagang firecrackers zone ay mga covered court at plaza sakop ng Maynila.
Magkakaroon din ng sariling fireworks display ang Ocean Park na sakop ng MPD-PS5 kung saan maaring makapanood ang publiko at sa Plaza Lorenzo Ruiz sa Binondo. (SAMANTHA MENDOZA)
147