9 NPA SUMUKO SA ALBAY9 NPA SUMUKO SA ALBAY

SIYAM na miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) ang tumiwalag sa kilusan at sumuko sa Army sa Albay.

Bukas-palad na tinanggap ng 49th Infantry (GOOD SAMARITANS) Battalion ang pormal na pagbabalik-loob at boluntaryong pagsuko ng siyam na regular na miyembro ng Communist NPA Terrorist (CNT), pagtiwalag at pagbawi ng suporta ng 12 miyembro ng Sangay ng Partido sa Lokalidad (SPL) sa isinagawang “Presentation of Former Rebels and Turn Over Ceremony” sa Barangay Tastas, Ligao City, Albay, noong Abril 5.

Sa nasabing seremonya, kasabay na isinuko ang mga baril kabilang na ang isang M1 Garand rifle, isang M2 Carbine rifle, isang .45 pistol, at dalawang .38 revolver pistol.

Personal na hinarap ni Lieutenant Colonel Benjamin Tapnio, Battalion Commander ng 49IB, ang dagdag sa dumaraming bilang ng mga sumusuko at tumitiwalag sa kilusan at partido na mga biktima ng Communist Terrorist Group (CTG) sa nasabing probinsya.

Malugod namang tinanggap ni Colonel Edmundo G. Peralta, Brigade Commander ng 902nd Infantry (FIGHT AND SERVE) Brigade, ang nasabing mga dating miyembro at tagasuporta ng CTG.

Samantala, ayon kay Police Brigadier General Jonnel Estomo, Police Director ng PRO5, patuloy rin ang kanilang paghikayat sa natitira pang mga aktibong miyembro ng CNT at mga tagasuporta nito sa probinsya na magbalik-loob na at magpasaklaw nang muli sa batas ng ating bansa. (JESSE KABEL)

117

Related posts

Leave a Comment