BODEGA NG PEKENG PRODUKTO NI-RAID

customs

(NI DAHLIA SACAPANO)

NASAMSAM ng Bureau of Customs-Intelligence Group ang mga pekeng produkto sa isang warehouse sa Binondo at Parañaque.

Kasama ang Letter of Authority na may lagda ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero binisita ng mga operatiba ng Customs ang isang warehouse sa Binondo, Maynila.

Ayon sa isang panayam sa Commissioner, nakatanggap daw sila ng reklamo mula sa kinatawan ng brand na Nike sa bansa.

Sinabi nitong may mga building umano sa Binondo na naglalaman ng mga pekeng prudukto na nagbigay ng hudyat sa tauhan ng ahensya para magsagawa ng imbestigasyon sa nasabing lugar.

Nang makarating sila sa warehouse ay tumambad sa kanila ang mga pekeng produkto na merong brand names katulad ng Nike, Adidas, Under Armour, Polo, Ralph Lauren, Supreme, Roxy, Marvel, Hello Kitty, Billabong at iba pa.

Base naman sa inisyal na report ng mga ahente ng Customs, na 2,500 sako ng mga damit ang nasa warehouse na yun na nagkakahalaga ng P700,000,000.

Habang sa Parañaque naman, nagbigay din ng dalawang Letter of Authority laban sa dalawang warehouse na nasa Meliton Espiritu Street, Steelhauz Compound, Sucat Parañaque City.

Ang mga warehouse na sumailalim sa inspeksyon ng mga operatiba ng Customs ay kinakitaan ng tinatayang P150,000,000 halaga ng mga pekeng produkto. Meron ding ito mga brand names tulad ng Nike, Adidas, Red Bull, Tsing Tao, HP, Heineken, Oakley, Under Armour, Champion, Tribal, Bench, Peppa Pig, Disney-Minions, Disney-Minnie Mouse, Cetaphil, Spiderman,Oneal at Jaguar.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Customs ang mga nakumpiskang pekeng produkto para sa safekeeping at isasailalim ito sa imbestigasyon na naayon sa Customs Laws.

Sa ilalim ng Republic Act No. 8293 o ang Intellectual Property Code of the Philippines, ang pagtitinda ng mga pekeng produkto ay ipinagbabawal.

254

Related posts

Leave a Comment