BOMB JOKE, DILG EMPLOYEE ARESTADO

bomb

INARESTO ang isang empleyado ng Department of Interior and Local Government matapos umano ang bomb joke ilang oras bago dumating si Pangulong Rodrigo Duterte sa Cunesta Astrodome sa Pasay City.

Si Elsie Castillo, local government operations officer VII ng DILG ay inaresto at iniimbestigahan sa Southern Police District. Si Castillo ay inireklamo ni Corporal Junalyn Ungab, ng  Presidential Security Group.

Si Castillo umano ay pumasok sa Cuneta Astrodome bandang alas-11:50 ng tanghali at nang sinisiyasat ang bag nito ay nagsabi umano ang suspect na “Ma’am, hindi mo ba kakalkalin, may laman sa ilalim na bomba ‘yan.”

Dumating ang Pangulo sa venue para sa Barangay Barangay Summit on Peace and Order bandang alas-6 ng gabi. Si Castillo ay kinasuhan ng Presidential Decree 1727 o unlawful dissemination or making false threat concerning bombs.

20

Related posts

Leave a Comment