COMPUTERIZATION SA BIR PINAGAAN SA TAXPAYERS

PINAGAAN ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang proseso sa paggamit ng taxpayers ng mga sistema nitong kompyuterisado.

Sabi ng BIR, ang mga magbabayad ng buwis na gumagamit ng Computerized Accounting System (CAS), Computerized Books of Accounts (CBA) at/o components nito, kabilang ang Electronic Storage System (ESS), Middleware at iba pang kaparehong mga sistema ay hindi na kinakailangan ng Permit to Use (PTU).

Sa halip, ang taxpayers “shall simply register the system with the Bureau by submitting certain documentary requirements (specified in Annex A of the Circular) to the Revenue District Office (RDO) where the taxpayer is registered. Upon submission of complete documentary requirements, an Acknowledgement Certificate shall be issued to concerned taxpayer within three (3) working days,” banggit ng BIR sa kalatas nito.

Ito ay nakasaad sa “Revenue Memorandum Circular No. 5-2021” na inisyu ni Commissioner Caesar Dulay noong Enero 8.

Tinanggal na rin ang “system demonstration or pre-evaluation prior to the use of the system,” ayon sa parehong memorandum.

Ngunit inilinaw ng BIR, partikular na ang revenue district officer (RDO) ay maglulunsad ng “post-evaluation” upang malaman kung sinunod ang rehistradong sistema ng BIR’s “standard functional and technical requirements” na binanggit sa memorandum.

Ang nasabing desisyon ng BIR ay naglalayong pagaanin ang pakikipagtransaksyon ng taxpayers sa BIR.

Mayroong kaukulang parusa ang taxpayer na mapatutunayan nakagawa ng aksyong taliwas sa panuntunan ng BIR, alinsunod sa itinakda ng Revenue Memorandum Order (RMO) No. 7-2015 at iba pang umiiral na mga direktiba ng ahensiya. (NELSON S. BADILLA)

 

59

Related posts

Leave a Comment