(NI NICK ECHEVARRIA)
WELCOME pa rin sa Camp Crame ang broadcaster na si Erwin Tulfo.
Ito ang paglilinaw ni Philippine National Police spokesperson P/Col Bernard Banac nitong Martes.
Ginawa ni Banac ang pahayag matapos ideklarang persona non grata si Tulfo ng Philippine Military Academy Alumni Association Inc. (PMAAAI) at pagbawalang dumalo sa lahat ng mga aktibidad, maging sa mga chapter members at organizations nito kaugnay sa ginawang pambabastos ng broadcaster kay DSWD Sec. Rolando Bautista ng PMA Class ’85.
Sa kabila ng pagbabawal ng PMAAAI, ayon kay Banac, ay tanggap pa rin ito sa punong himpilan ng pambansang pulisya tulad ng isang indibidwal na may mga transaksyon sa kampo, partikular kung magre-renew ito ng lisensya ng kanyang baril.
Samantala, muli namang ipinaalala ni Banac, na hinihintay pa rin nila ang mga baril ni Tulfo para sa pansamanatalang safekeeping subalit kung patuloy aniya itong magmamatigas ay mapipilitan silang gawin ang Oplan Katok.
Nauna rito, ipinahayag ng PMAAAI na ang inasal ni Tulfo ay tahasang paglabag hindi lamang sa Broadcast Code ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas at Journalist’s Code of Ethics ng National Press Club kundi maging sa R.A. 10175 o ang Cybercrime Prevention Act of 2012.
158