HIWALAY NA PAG-AANGKAT NG ASUKAL NG INDUSTRIYA NG INUMIN PANUKALA NI REP. ROBES

SA gitna ng kontrobersiyang bumabalot sa naudlot na planong pag-aangkat ng asukal, hiniling ni San Jose Del Monte Rep. Florida Robes na magkaroon ng hiwalay na pagpapahintulot na makapag-angkat ang industriya ng inumin upang hindi makaapekto sa halaga ng asukal sa merkado na ngayon ay lumobo na sa mahigit P100 kada kilo.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Rep Robes, na siyang Chairperson ng House Committee on Good Government and Public Accountability na nanguna sa pagtalakay sa naunsiyaming importasyon ng asukal, kasama ang Committee on Agriculture, na hiniling niya ang panukala upang ikonsidera ang nangyayaring pag-aangkat ng imported na asukal ng industriya ng inumin kung saan mahigit 50 porsiyento ang nakokonsumo rito ng bansa.

“Since the beverage industry is consuming more sugar, it is also contributing to the consolidated demand for the country, hence the high cost of sugar in the retail market. Under the proposed scheme, the SRA will be mandated to issue separate importation orders for the beverage industry and for local consumers so that these will not affect inflation,” sabi pa ni Rep. Robes.

“We have to ensure that the country has enough supply of sugar in the market but this (importation) must protect sugar planters, millers and consumers as well to prevent any price spikes in the market. We also have to ensure that the measure should prevent smuggling in the process,” dagdag pa niya.

Dahil dito, ang Kongreso ay may kapangyarihang gumawa ng batas na magpapahintulot sa klasipikasyon ng pag-aangkat ng asukal o kung ang kasalukuyang batas na lumikha ng Sugar Regulatory Administration (SRA) ay papayagang sila ng magtakda ng klasipikasyon ng pag-aangkat upang hindi makaapekto sa presyo ng asukal sa merkado. “Then we have to choose the latter option,” sabi pa ni Robes.

Sinabi pa niya na ang pagsirit ng presyo ng asukal sa merkado ay artipisyal lamang subalit immoral kaya’t nais nilang malaman kung bakit sobra ang itinaas nito sa tingian.

“The Monday Briefing can be immediately move to a proper investigation should Members opt to have a proper motu proprio inquiry to ensure that resource persons are compelled to attend under pain of possible contempt, sworn in under oath and are bound by the duly published rules on inquiries,” pahayag pa niya.

Ang orihinal na planong pagpupulong na itinakda noong araw ng Huwebes ay itutuloy sa Lunes, Agosto 22, upang bigyang daan ang pitong araw ng kinakailangang paglilimbag batay sa panuntunan upang maikonsiderang epektibo. Ang ika-pitong araw aniya ay sa Agosto 22.

Sinabi ni Robes na inimbitahan ng dalawang komite sa pagpupulong sa Lunes, sina SRA Administrator Herminigildo Serafica ang Board Member na si Roland Beltran, bukod pa kay DA Undersecretary Leocadio Sebastian na pawang nagbitiw sa tungkulin matapos lagdaan ang ilegal na pag-aangkat ng asukal.

Nilinaw ni Rep. Robes na ang isasagawang pagi-imbestiga ng dalawang komite kaugnay sa pag-aangkat ng asukal sa Lunes ay walang kinalaman sa pagbibitiw ng mga opisyal.

Sinabi pa niya na maging si dating DA Secretary William Dar ay kanila ring ipapatawag upang magbigay linaw sa naunsiyaming pag-aangkat ng asukal.

119

Related posts

Leave a Comment