LALAHOK SA TRANSPORT STRIKE TATANGGALAN NG PRANGKISA

dotr

(NI KIKO CUETO)

NAGBANTA ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga sasali sa transport strike ngayong Lunes na posibleng suspendihin o kanselahin ang operators at drivers franchises kung itutuloy ang protesta.

Giit ni LTFRB Chairman Martin Delgra III, lalabag ito sa LTFRB Memorandum Circular #2011-004, na nagsasabing ang anumang protesta na makakasama o hindi magbibigay ng ginhawa sa mga pasahero ay posibleng alisan ng prangkisa na ibinigay ng pamahalaan.

Sinabi ni Delgra na sakop ito ng LTFRB Memorandum Circular No. 2011-004 na basehan ng kanilang pagkakansela sa prangkisa.

Ang strike ay pangungunahan ng mga miyembro ng PISTON at ng Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO) para i-protesta ang PUV modernization program.

Nakahanda naman umalalay ang Department of Transportation, LTFRB, at ibang government branches, kasama ang MMDA, at ibang local governments.

May mga contingency measures na umano silang ikinasa bilang pangontra sa transport strike ngayong araw.

“Ang prangkisa, pribilehiyo ‘yan at hindi karapatan. Nakasaad sa pribilehiyong ‘yan ang responsibilidad ng operator na bigyan ng komportableng biyahe ang kanyang pasahero. Kung magtitigil pasada sila, sinong kawawa? Pasahero. Sana maisip nila ‘yon,” ayon kay Tugade.

 

204

Related posts

Leave a Comment