(NI DAHLIA S. ANIN)
PATULOY ang pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat Dam, ayon sa weather bureau.
Sinabi ng Pagasa na sa kanilang tala kaninang umaga, bumaba ito sa 160.58 mula sa 161.01 noong Lunes.
Matatandaan na bahagyang tumaas noong nakaraang Linggo ang tubig sa Dam dahil sa dalang ulan ng Habagat.
Nagpapatupad na ng rotational water interruption ang Maynilad at Manila Water, upang mapagkasya muna sa kanilang mga kustomer ang mababang suplay ng tubig.
Ayon kay National Water Resources Board Jeric Sevilla, maibabalik lang umano sa normal ang suplay ng tubig kung aakyat na sa 180 meters ang lebel ng tubig sa Angat Dam.
203