LRTA AMINADO; WALANG RECOVERY PLAN SA NASUNOG NA LRT LINE 2

lrt2a

(NI ABBY MENDOZA)

AMINADO ang pamunuan ng Light Rail Transit Authority na hindi sila handa sa mga kaganapan tulad ng nasunog na LRT line 2 dahilan para maputol ang operasyon ng tatlong istasyon nito.

Wala rin umanong nakahandang disaster recovery plan sa ganitong mga insidente.

Sa ginanap na emergency meeting ng House Transportation Committee, inusisa ang mga opisyal ng Department of Transportation (DoTR) Light Rail Transit Authority(LRTA) kaugnay sa naganap na sunog sa LRT Line 2 na dahilan ngayon ng kawalang operasyon ng mass transit at nararanasang matinding pagsisikip ng daloy ng trapiko sa lugar.

Sa pagharap ni LRTA Spokesperson Hernando Cabrera sa meeting na ipinatawag ni House Transportation Commitee Chair Edgar Mary Sarmiento, sinabi nito na inaalis na ang anggulong arson habang ang imbestigasyon ay nakatuon na anggulong equipment failure at kidlat.

Ipinamamadali rin ni Cavite Rep. Jesus Crispin Remulla sa Bureau of Fire Protection ang isinasagawa nitong imbestigasyon dahil hanggang hindi nalalaman ng LRTA ang kabuuang naging pinsala sa piyesa sa power rectifier ay hindi pa makaka-order ng mga bagong equipment para maging fully operational na ang tren.

Inamin ni Cabrera na hanggang ngayon ay hindi pa nila makita nang husto ang lugar kung saan naganap ang sunog dahil nasa hurisdiksyon pa ito ng BFP.

Sa oras na malaman na nila ang mismong piyesa na nasira maaring mapabilis ang pagbabalik sa normal ng operasyon ng LRT2 dahil sa 189 na items na kailangan ay 11 lamang ang wala sa kanila.

Para mapabilis ang imbestigasyon, hinimok ni Sarmiento ang DILG na payagang maisama sa pag iimbestiga ang LRTA base na rin sa argumento ni Muntinlupa Rep. Rufy Biazon dahil maaaaring matagalan ang BFP kung ito lamang ang solong mag iimbestiga sa sunog lalo’t wala itong technical knowledge sa railways.

 

159

Related posts

Leave a Comment