MALLS SA METRO MAGBUBUKAS NG 11:00AM SA CHRISTMAS SEASON

(NI ROSE PULGAR)

NAGLABAS ng takdang oras ang pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pagbubukas ng mga malls sa Metro Manila ngayon panahon ng Christmas season.

Simula Nobyembre 11 hanggang Enero 10, 2020 ay alas-11:00 na ng umaga magbubukas ang mga malls.

Ito ang napagkasunduan ng MMDA at may- ari ng malls matapos silang magpulong nitong Martes.

Layon nitong maiwasan ang sobrang pagbigat ng daloy ng trapiko bunsod ng holidays season kung saan inaasahang marami ang magpupunta sa mga mall.

Sinabi ni  MMDA Gen. Manager Jojo Garcia, tuwing Lunes hanggang Biyernes ay alas-11: 00 ng umaga ang opening hours ng mga mall, kapag weekends naman ,nakadepende na sa pamunuan ng malls kung magbubukas ng mas maaga.

Ipinagbawal din ang mall sales sa nabanggit na mga petsa, mula Lunes hanggang Biyernes maliban sa mga nagdeklara nang sale sa Nobyembre 15.

Habang sa mga truck food delivery na kinakailangan mula sa alas-11:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng madaling araw lamang itong puwedeng mag deliber ng kanilang mga produkto na lumabas sa lansangan.

Bukod dito, sa pakikipagpulong din ng MMDA sa Department  of Public Works and Highways, water utility at Telecommunications company,

napagkasunduan din na pansamantalang isuspinde ang road reblockings sa kahabaan ng EDSA at C5, maliban na lang sa government flagship projects at kung may emergency cases na kailangang ayusin.

344

Related posts

Leave a Comment