MGA KONGRESISTA PINATUTULONG NI ROMUALDEZ SA RELIEF EFFORTS TUWING KALAMIDAD

INATASAN ni House Speaker Martin Romualdez ang mga kongresista ng bawat distrito sa buong bansa na tumulong sa relief efforts ng pamahalaan kapag tinamaan ng kalamidad ang kanilang mga lugar.

Ayon kay Speaker Romualdez, “Mas alam nila kasi ang mga areas sa kanilang nasasakupan na kailangan ng agarang tulong dahil may mga lider sila sa bawat bayan at lungsod.”

“Kaya mas madaling maipaabot ang tulong ng gobyerno lalo na ng DSWD dahil sa mga prepositioned food packs,” dagdag pa ng lider ng House.

Ayon pa kay Romualdez, lahat ng distrito na dinaanan ng Bagyong Kristine ay bibigyan ng financial assistance mula sa pamahalaan sa ilalim ng Assistance for Individual in Crisis Situation (AICS) ng DSWD. Higit P400 million pesos ang ibibigay sa mga residente ng 21 districts sa Bicol, Eastern Visayas, Calabarzon at Mimaropa.

“The government is here to help dahil batid po natin ang dinanas ng mga kababayan natin noong panahon ni Bagyong Kristine,” ani Romualdez. Dagdag pa niya, “We will also fund for the rehabilitation and repair ng mga nasirang kalsada, tulay at imprastraktura na sinira ng bagyo.”

68

Related posts

Leave a Comment