MRT-3 UMUSOK; ‘SHORT CIRCUIT’ ITINURONG DAHILAN

mrt3

NAGKAROON umano ng short circuit dahilan para umusok ang isa sa mga bagon ng Metro Rail Transit-3 (MRT-3). Agad na inihinto ang tren at pinababa ang mga pasahero, Lunes ng gabi.

Sa statement, sinabi ng MRT3 na nakita ng mga technician ang short circuit sa high voltage wire ng traction motor. Isinailalim na rin umano sa pagkumpuni ang tren  sa MRT-3 depot sa Quezon City.

Noong Enero, 2018, umusok din ang isa sa mga bagon ng MRT-3 dahil sa kanilang circuit breaker.  Setyembre 2017 naman nang pababain ang mga pasahero matapos umapoy ang isa sa mga upuan ng tren.

82

Related posts

Leave a Comment