NO. 6 MOST WANTED SA MALABON, ARESTADO

0

SWAK sa selda ang isang top 6 most wanted person sa Malabon City, makaraang maaresto ng mga tauhan ng Manila Police District sa Brgy. Dipintin sa bayan ng Maddela, lalawigan ng Quirino noong Sabado ng hapon.

Kinilala ni Manila Police District Director, P/Brigadier General Leo “Paco” Francisco ang suspek na si Christian Andres y Espiritu, 31, farmer, binata at residente ng Francisco St., Brgy. 590, Sta. Mesa, Manila.

Batay sa ulat ni P/Major Cicero Pura, hepe ng District Special Operation Unit ng MPD, humingi ng tulong ang mga tauhan ng Malabon Police District, sa pangunguna ni P/Cpt. Emmark Dave Apostol ng MDIT-RIU NCR, matapos madiskubreng naglulungga si Andres sa nasabing lalawigan

Dahil dito, nakipagkoordina ang MPD sa Maddela PNP, sa pamumuno ni P/Lt. Col. Walter Pasicolan, at saka nila tinungo ang lugar at inaresto ang suspek sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Hon. Zaldy Balagat Docena ng Regional Trial Court Br. 179 ng Malabon, sa kasong murder. (RENE CRISOSTOMO)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment