OIL PRICE HIKE UMPISA NGAYONG MARTES

oil hike

(NI ROSE G. PULGAR/PHOTO BY RAFAEL TABOY)

MAGPAPATUPAD ng pagtaas sa presyo ng ilang produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa bansa na epektibo, Martes.

Lunes ng hapon ay pinangunahan ng kompanyang PTT Philippines , Pilipinas Shell, Petro Gazz, Jetti, CPI (Caltex), at Total ang ikalimang sunod na linggong pagtaas sa presyo ng gasolina na P0.90 kada litro habang wala namang paggalaw sa presyo ng diesel at kerosene na epektibo Martes ng alas-6:00 ng umaga.

Inaasahan namang susunod na magpatupad ng dagdag-presyo sa gasolina ang ilan pang kompanya ng langis sa bansa tulad ng Petron Corporation, Phoenix Petroleum Philippines, Eastern Petroleum Philippines at iba pang kompanya ng langis sa kahalintulad na halaga.

Nabatid na ang ipinatupad na dagdag presyo sa gasolina ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan.

Magugunitang nito lamang nakaraang linggo ay nagpatupad ng dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa kung saan nagdagdag presyo na P0.10 kada litro sa gasolina habang nagbawas ng katiting na presyo na P0.10 kada litro sa diesel at P0.35 kada litro ng kerosene.

 

 

 

106

Related posts

Leave a Comment