PRESYO NG KURYENTE, LANGIS IDETALYE SA PUBLIKO

erc15

(NI BERNARD TAGUINOD)

KARAPATAN ng mga consumers malaman kung tama ang ibinabayad ng mga ito sa kanilang kuryente at maging sa mga binibiling langis.

Ito ang iginiit ni House committee on energy vice chairman Carlos Roman Uybarreta kaya kinalampag nito ang Energy Regulatory Commission(ERC) at  Department of Energy (DOE) na ipadetalye na sa mga electric at oil companies ang presyo.

“Filipino consumers deserve full transparency. They must know where their hard earned money is going to and what they are paying for,” pahayag ni Urbarreta at magagawa lamang umano ito kun kumilos ang mga nabanggit na ahensya.

Ayon sa mambabatas, malinaw na nakasaad sa Republic Act 8479 o Downstream Oil Industry Deregulation Act of 1998, na malawak ang kapangyarihan ng DOE para obligahin ang mga oil companies na ireport sa mga consumers kung ano ang batayan ng kanilang ipinapatupad na presyo sa mga produktong petrolyo.

“Sections 12 and 15 would be the legal bases for requiring the oil companies to itemize fuel prices and to report them directly to consumers at the gas stations and through the fuel component to be reflected in the electricity bills,” anang mambabatas.

Gayunpaman, hindi aniya ito ipinatupad ng DOE at ERC kaya hindi alam ng mga consumers kung tama ba o hindi ang binabayaran ng mga ito sa kanilang kuryente at maging ang presyo ng langis.

Mahalaga aniya na maging transparent na ang mga kumpanya ng langis at mga ang mga power distributors tulad ng Manila Electric Company (Meralco) at mga Electric Cooperatives sa mga probinsya lalo na’t pataas na pataas ang presyo ng mga serbisyo publiko.

“There should be a breakdown of the cost components of any bunker fuel, diesel, natural gas, solar, geothermal or wind energy used at the power generation stage,” ayon pa sa mambabatas.

 

184

Related posts

Leave a Comment