QC NAGTALA NG ISANG PATAY SA COVID-19

NAKAPAGTALA ng isang panibagong kaso ng pagkamatay dahil sa COVID-19 ang Quezon City.

Sa pinakahuling ulat na natanggap ng SAKSI NGAYON hanggang nitong Hunyo 2, ayon sa Department of Health (DOH), ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Quezon City ay umabot na sa 2,236.

Samantala, ang validated cases ng QC Epidemiology and Surveillance Unit at District Health Office, ay nasa 1,949.

Nakapagtala naman ng active cases ng COVID-19 sa Quezon City sa bilang na 816.

Sa nasabi ring petsa, ang nasabing siyudad ay nakapagtala ng 51 bagong recoveries kung kayat umabot na sa kabuuang 951 recoveries at umabot sa kabuuang 182 ang namatay. (JOEL O. AMONGO)

345

Related posts

Leave a Comment