(Ni LUISA LEIGH NIEZ)
NAKATAKDANG sampahan ng kasong Conduct Unbecoming of a gentleman and Officers at Obstruction of Justice si Quezon City Police District (QCPD) Director PCSUPT Joselito Esquivel, Jr. ni Quezon City Mayoralty Candidate, Congressman Bingbong Crisologo,.
Sa panayam ng SAKSI Ngayon kay Cong. Crisologo , sinabi nitong hindi niya palalampasin ang ginawa ni Gen . Esquivel, sa kanya na isang congressman at kasalukuyang tumatakbong alkalde ng lungsod.
Matatandaan na noong Linggo ng umaga ay hindi pinapasok sa loob ng Kampo Karingal si Crisologo kasama ang anak na babae at ina ng napatay na Brgy. Chairwoman ng Brgy. Silangan na si Chairwoman Cresil Beltran, habang ipinipresenta ng QCPD ang 4 na suspek .
Samantala, nagpatawag ng press briefing ang pamilya Beltran noong Linggo ng hapon ilang oras matapos ang press conference na ginawa ng Quezon City Police District (QCPD) .
Ayon sa anak na babae ng kapitana na si Winsell, masama ang kanilang loob sa QCPD, dahil sa halip na sa kanila ipresenta ang mga suspek ay kay Vice Mayor Joy Belmonte ito iniharap.
Nang tanungin ang anak kung naniniwala ba siya na yung mga naarestong suspek ang siyang gumawa ng karumaldumal sa kanilang ina ay sinabi nito na “Wala kaming pakialam kung sila o hindi ang pumatay sa nanay namin, ang mahalaga sa amin ay sabihin nila kung ano ang motibo ng krimen at kung sino ang nasa likod nito.
Masamang-masama rin umano ang kanilang loob ng hindi sila papasukin sa loob ng Kampo gayong inimbitahan naman daw sila, at ang labis na ipinagtataka ng kanilang pamilya ay yung sinabi ng mga pulis na order umano ni ma’am na huwag silang papasukin ng kampo.
“Sino ba ang tinuitukoy nilang mam, si Vice Mayor Joy Belmonte ba? Siya lang kasi ang opisyal ng pamahalaan na nasa loob ng kampo nung oras na yun, ” tanong ng anak ni kapitana.
Kaugnay nito ay masama rin ang loob ng 3 witness, dahil ginawa lang daw silang pang display sa presscon dahil hindi raw sila pinayagang magsalita.
“Bago pa man magkaroon ng presscon ay sinabihan na kami ng mga pulis na huwag kaming magsasalita, kaya naging bulag, pipi at bingi kami ng mga oras na ‘yon” ang sabi ng tatlong witnesses.
Hindi rin umano totoo ang pahayag ni Vice Mayor Joy Belmonte na binigyan na kami ng ayuda o assistance ng City Government.
187