NILAGDAAN ng Departments of Justice at Interior and Local Government noong Biyernes ng hapon ang 2024 revised implementing rules and regulations ng Republic Act 10592, na karaniwang kilala bilang Revised Penal Code, na magbibigay daan sa mga bilanggo na hinatulan sa heinous crime para makinabang sa good conduct time allowance (GCTA).
Ang ceremonial signing, na ginanap sa bagong conference room ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa City, ay dinaluhan nina Justice Undersecretaries Deo Marco at Raul Vasquez, na kinatawan ni Justice Secretary Crispin “Boying” Remulla, gayundin ni Interior and Local Government Undersecretary Serafin P Barretto Jr., na tumayo para kay DILG Secretary Jonvic Remulla, kasama ang Bureau of Corrections Officials sa pangunguna ni Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr., at mga opisyal mula sa Bureau of Jail Management and Penology sa pangunguna ni Jail Director Ruel S. Rivera.
Ani Vasquez, na naghatid ng mensahe ni Justice Secretary Remulla, ang bagong IRR na ito ay isa sa mga pagsisikap ng gobyerno na paluwagin ang correctional facilities at mga kulungan, dahil may humigit-kumulang 8,000 PDL mula sa Bucor at 1,000 PDL mula sa BJMP na makikinabang sa pagpapatupad.
Ang batas sa good conduct time allowance, ayon kay Vasquez, ay hindi pa na-maximize, at siya ay lubos na natutuwa na ang “Korte Suprema ay nakita na ang katwiran, na nagsasabi na kung ang aming sistema ng pagwawasto ay naka-angkla sa rehabilitasyon at pangalawang pagkakataon, bakit namin itatanggi Ang mga PDL na nahatulan ng karumal-dumal na krimen ang pagkakataong makakuha ng GCTA na magpapahintulot sa pagbabawas ng kanilang mga sentensiya sa bilangguan dahil sa mabuting pag-uugali?”
Binanggit din niya ang accomplishment ng BuCor sa pagbibigay ng higit pa sa ipinangako nila ni Secretary Remulla nang bumisita sila sa United Nations Human Rights Council sa Geneva, Switzerland, noong Setyembre 2022.
Sa kanyang panig, sinabi ni Catapang na karamihan sa mga PDL ay nagreklamo sa mabagal na pag-usad sa pagdinig ng kanilang mga kaso sa mga korte, habang ang ilan ay nagrereklamo tungkol sa pagkaantala sa kanilang paglaya.
“But with the signing of the revised IRR, it gives them hope: “We are giving them something to look forward to, Para talaga sa kanila ito,” ani Catapang. (DANNY BACOLOD)
12