ROQUE SINAMPAHAN NG DISBARMENT CASE SA SC

IPINAGHARAP ng disbarment case si dating Palace spokesperson Harry Roque sa Korte Suprema ni dating cabinet secretary Atty. Melvin Matibag nitong umaga ng Martes.

Ayaw idetalye ni Matibag ang isinampang kaso, ngunit binanggit niya ang mga isyu na itinutulak laban kay Roque kasama ang kanyang mga post sa social media, tulad ng “polvoron” video na kinasasangkutan umano ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

“First of all kasi yung proceedings ng disbarment this is confidential in nature so I cannot discuss in detail pero just to cite one instance, yung tungkol sa polvoron issue, deepfake iyon so yun yung isa sa mga reason,” sabi pa ni Matibag.

“Pero ang mas importante ay yung responsibility natin as an officer of the court as a lawyer, so dapat mataas ang standard namin so when we use social media dapat yung responsibility natin nandodoon,” aniya.

Noong nakaraang Hulyo, sinabi ng mga opisyal na “deepfake” o digitally na nilikha ang isang viral video na nagpapakita ng paggamit ng tila droga ng kamukha ni Marcos Jr. Sinabi nila na ito ay bahagi ng isang pagtatangka na i-destabilize ang gobyerno.

Itinanggi ni Matibag na ang disbarment case ay bahagi ng harassment efforts laban kay Roque. (JULIET PACOT)

99

Related posts

Leave a Comment