SANGKATERBANG GAMIT NA FACE MASKS NALAMBAT SA MANILA BAY

0

(Cyrill Quilo)

CAVITE – Sangkatutak na basura kabilang ang mga gamit na face masks ang nalambat ng mga kawani ng Philippine Coast Guard sa kanilang coastal clean-up sa iba’t ibang baybaying bahagi ng Manila Bay.

Sa Maragondon, daan-daang kilo ng non-biodegradable o hindi nabubulok na basura tulad ng medical wastes, platic bottles at wrapper ng samu’t saring pagkain ang tumambad matapos umahon ang mga volunteer na sumisid sa ilalim ng karagatan nitong nakaraang Sabado bilang bahagi ng World Environment Day.

Lubos namang nabahala ang mga environmental activist na nakibahagi sa nasabing coastal clean-up dahil marami anila sa mga basura ang nakolekta sa mga pinamumugaran ng isda at lamang dagat.

Sa kabuuan, mayroon nang 10 tonelada ang nakuha sa sabayang paglilinis ng Manila Bay ng pinagsanib na pwersa ng Coast Guard, Department of Environment and Natural Resources at coastal towns na sakop ng 100-kilometer coastline.

Sa gawing Ternate naman ay nagtanim ang mga environmental volunteer ng hindi bababa sa 1,300 sapling ng bakawan o mangrove sa may 800 metrong bahagi ng Barangay Bucana. Pinipigilan ng mga bakawan ang malubhang epekto ng mga daluyong at pagbaha at sumasala ng mga mapanganib na elemento o latak sa lupa.

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment