STEEL FENCES, BOLLARDS VS TRAFFIC ILALAGAY SA EDSA

edsa66

(NI LYSSA VILLAROMAN)

PLANONG maglagay ng steel fences at rubber bollards ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa EDSA para maibsan ang mabigat na trapiko sa EDSA alinsunod na rin sa ipinatutupad nilang yellow lane policy.

Ayon kay MMDA General Manager, Jojo Garcia, ang paglalagay ng steel fences at mga rubber bollards ay layunin din nitong gabayan ang mga commuter sa pagbaba at pagsakay sa tamang bus stop.

Giit din ni Garcia na ang naturang layon ay upang isaayos ang trapiko sa EDSA at hindi ito parusa para sa mga commuter na magiging  mas pakinabang sa kanila.

“‘Pag tinanggal natin ang provincial buses diyan, kalahati kaagad ng gumagamit ng yellow lane eh mawawala so decongested kaagad ang yellow lane natin,” pahayag ni Garcia.

Ayon pa kay Garcia na mas makikinabang iyong sumasakay ng city bus sa kanilang plano.

Sa pahayag naman ni Transportation Secretary Arthur Tugade naninidigan itong may mga plano na silang nakalatag.

“Sasabihin walang plano, short term, medium term, long term, hindi ho totoo ‘yan, meron hong mga plano,” ani Tugade.

Ang mga fences ay ilalagay na  sa mga susunod na linggo bilang paghahanda na rin sa papasok na “BER months”.

Isusunod naman ay ang paglalagay ng mga rubber bollards na magtatalaga ng lane para sa bawat sasakyang dumadaan sa EDSA.

Hinihintay na lang ang pag-apruba ng Department of Public Works and Highways–Technical Working Group na siyang sumusuri kung ligtas nga bang ilagay ang mga bollard sa kahabaan ng EDSA.

Ayon sa pahayag ng MMDA na dati na itong ginawa ni dating MMDA chief Bayani Fernando sa kaniyang termino.

Humiling din ang MMDA ng kooperasyon sa local government units (LGU) sa pagsasaayos ng trapiko sa kani-kanilang lugar lalo at nasa poder ng mga LGU ang pangagasiwa sa kanilang inner roads.

 

139

Related posts

Leave a Comment