SINIBAK ni Agriculture Secretary Manny Pinol ang buong quarantine group sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos mabigong pigilan ang quarantine protocols sa pagpasok sa bansa ng mga pork products na kontaminado ng African Swine Fever (ASF)
Sinabi ni Pinol na walang quarantine protocol na ipinatutupad ang Bureau of Animal Industry (BAI). Ito ay matapos ipag-utos na tiyakin mayroong footbaths at iba pang hakbang sa entry points ng bansa. Nakakuha ng report sa pagkalat ng ASF sa China.
Walong bansa na ang apektado ng ASF kaya’t todo-bantay ang bansa sa pagpasok nito. Hindi na pinahihintulutan ang pagpasok sa bansa ng ‘mga pork product mula Belgium, China, Hungary, Latvia, Poland, Romania, Russia and Ukraine.
Ang ASF ay hindi delikado sa tao ngunit nakamamatay sa mga alagang baboy at baboy-ramo.
Sa isang Facebook post, sinab ni Piñol na alas-5:00 ng hapon mamaya pormal na magkakabisa ang pagsibak sa quarantine group ng NAIA.
Iginiit ng kalihim na ang pagsibak sa buong quarantine team ng NAIA ay magsilbing mensahe na rin daw sa mga empleyado ng DA na hindi dapat isawalang bahala ang mga administrative directives na kanyang inilalabas.
132