TARP NG POLITIKO SA NAZARENO BAWAL

casino

(Ni Samantha Mendoza)

HINDI papopormahin ang mga pulitiko na nagbabalak na ‘umepal’ sa 2019 Translacion sa Enero 9 sa Maynila.

Sinabi ni Father Douglas Badong, Parochial Vicar ng Minor Basilica ng Black Nazarene na aalisin ang lahat ng tarpaulin na ilalagay ng mga pulitiko na kandidato sa mga daraanang ruta ng andas sa Traslacion.

Ito umano ay iyong mga mukha ng mga kandidato na may mga nakasaad na pagbati para sa kapistahan ng Poon ng Itim na Nazareno.

Umapela ang  mga  organizers ng Traslacion sa mga pulitiko na igalang  ang banal na selebrasyon ng  Itim na Nazareno at huwag gamit sa maagang pangangampanya.

Samantala, patuloy na nagsasagawa na ang mga tauhan ng Department of Public Safety (DPS)  ng Manila City Hall sa  ginagawang paglilinis at pagkukunpuni sa mga sirang mga kalye sa  daraanan ng andas upang maiwasan ang disgrasya sa milyun-milyong deboto.

 

8

Related posts

Leave a Comment