TF KONTRA BIGAY BUBUUIN NG DOJ

KABIBILANGAN ng grupo ng mga prosecutor at ahente mula sa National Bureau of Investigation (NBI) ang Task Force Kontra Bigay na bubuuin ng Department of Justice (DOJ) laban sa “vote buying”.

“Considering the importance of the forthcoming elections to the survival and recovery of the nation, I will direct the DOJ contingent to give the highest priority to this campaign in the next 40 days,” ani Justice Secretary Menardo Guevarra.

Bukod sa DOJ, kasama rin sa task force ang mga tauhan ng Comelec, Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, at ang Philippine Information Agency.

Nag-uumpisa na umanong makatanggap ang Comelec Law Department ng mga sumbong hinggil sa bilihan ng boto mula sa kanilang regional offices para magsagawa ng beripikasyon at paunang imbestigasyon. (RENE CRISOSTOMO)

275

Related posts

Leave a Comment